Kanina pa ko di nagsasalita tungkol sa pag-ibig dahil baka may maling masabi… Pero di matiis ng nangangati kong dila (pero dahil sa blog ito nangangati kong mga kamay.. hehehe…)
Ayoko magtunog na parang mapait na ampalaya dahil walang ka-date kanina… (nakasama naman si Piolo Pascual sa concert nya at nakayap pa hahahah!)
Pero nagtataka ako bakit ba kase isang beses lang sa isang taon dapat icelebrate ang “araw ng mga puso/pagmamahal” Eh sa totoo lang dapat 365 days sa isang taon dapat natin ipinadadama ang ating pagmamahal sa ating kapwa… ??? hmmm… isang malupet na tanong na di ko alam paano sasagutin…
Pero masarap nga naman mag abang ng isang araw sa isang taon na pwede kang gumawa ng card at magsulat ng saloobin at mag plano ng surpresa at nangpangregalo… Pero di ba ginagawa na natin yon pag “pasko”?
Baka di ko lang naiintindihan kase di ko sigurado kung umibig na ko…
Pero maniwala man kayo o sa hinde… Gusto kong makarelate…
Kaya nakinig nalang ako ng love songs… kinikilig at namumula pa ang pisngi.. pero walang dahilan…
At nakahanap ako ng dahilan…
Di pa ba sapat na umapaw ang puso ko sa pag-ibig at tuwa ng maalala ko na ang sarap sarap mabuhay… magbigay… mag-ingay… (bakit may rhyming na nagaganap? hahaha)
Ang sarap alalahanin lahat ng pagkasawi… na umiyak at bumangon muli…
Ang sarap isipin natutong magpatawad.. kahit masakit na dati parang di ka na makakausad… pero alam mo na unti-unti malilimot mo din.. at darating araw na mga sugat ay maghihilom din…
Ang sarap mangarap.. at isipin ang bukas… manabik sa surpresang nakaabang sa kabila ng rehas…
At yung pakiramdam ng pag-asa… yung alam mong kahit sumablay… makakangiti pa… :)
Weird pero kinilig ako habang naaamoy ko ang samyo ng dagat at ang amoy ng ulam… at nakatingin lang sa pag-lubong ng araw… nakatodo ang volume ng ipod sa tugtog ng kanta ni Colbie Caillat na scoring ng pagrereminis ko at pag aabang sa bukas… :)
Yan ang itsura ng Valentines day ko.. :)
aba yan pala ang itsura ng Valentines Day ko… :) kakatuwa…
SOURCE/S:
No comments:
Post a Comment