PLEASE READ


I will no longer post here.
I've moved to Tumblr.

Check this Yeng Constantino related Tumblr Blog managed by yours truly. :)




http://ohhyeng.tumblr.com/


xtinayellrawr ©2011

Friday, February 18, 2011

[ARTICLE] Ultimate Pinoy Power sa ASAP Rocks

(Pilipino Star Ngayon) Updated February 19, 2011 12:00 AM


MANILA, Philippines - Pinoy Power reunion ang masasaksihan nga*yong Linggo sa ASAP Rocks.

Maki-celebrate with pride at maki-jam sa mga OPM hits kasama ang mga malalaking Kapamilya stars ng bonggang Sunday afternoon party.

Humanda na sa isa na namang hindi matatawarang thrilling concert experience. Magbibigay-pugay sa kalayaan ng Pinoy ang pinakabagong music spectacle ng ASAP, ang ASAP Playlist.

Makinig sa mga memorable Pinoy anthems na bibigyan ng sariling interpretasyon ng ASAP concert artists.

Namnamin ang mga kantang nagpabago at naghubog sa kasaysayan ng bansa sa isang dramatic at hindi mapapantayang musical medley.

May pasabog din ang mga ipinagmamalaking Kapamilya Champions sa pinaka-inaabangang launch ng ASAP Pinoy Champs.

Sa unang pagkakataon, makikipagsalpukan ang mga People’s Champ na sina Kim Chiu, Melai Cantiveros, Bugoy Carino, Jovit Baldivino, Bugoy Drilon at Yeng Constantino sa XB Gensan at Laoag Gymnastics Group.

Makikihataw din ang Philippine Pride na The Philippine All-Star na garantisadong lilikha ng marka sa global dance arena.

Saksihan ang isang makapanindig-balahibong world-class perfomance mula sa world-class Pinoy na si Vincent Bueno kasama ang mga ASAP Kapamilya na sina Billy Crawford at Mr. Pure Energy Gary V.

Salubungin at sulyapan naman ang stunning all-star line up ng ravishing girls ng ASAP na pina*ngungunahan nina Kim, Maja, Erich, Empress, Jessy, Andi, Melissa, at Shaina.

Labingwalong nagga-gwapuhang Kapamilya leading men ang mag-eescort sa ASAP Dance Quad Empress na si Empress Schuck na magdi*riwang ng kanyang 18th birthday.

Paiinitin ng ‘dyosa’ ng telebisyon na si Anne Curtis ang ASAP dance floor. Mala-diyosang birthday performance at marami pang surpresa na naghihintay sa mga Kapamilya mula kay Anne.



High level performance mula sa ASAP Sessionistas, ASAP Champions at ASAP Music Icons back-to-back na sayawan kasama ang ASAP Supahdance krew, Dance Quad at Supahkids na siguradong magpapayugyog sa inyong Linggo.

Ipapakilala naman sa Dance U ang mga newly-enrolled na Basketball Hunks na garantisadong magpapakilig sa inyo. Abangan kung sinu-sino sila.

‘Wag magpahuli sa much-awaited reunion ngayong Linggo sa ASAP Rocks simula 1:15 p.m-3:45 p.m.

No comments:

Post a Comment