PLEASE READ


I will no longer post here.
I've moved to Tumblr.

Check this Yeng Constantino related Tumblr Blog managed by yours truly. :)




http://ohhyeng.tumblr.com/


xtinayellrawr ©2011

Monday, May 9, 2011

“Y” sa Mata

by TintinLovesYeng

“Alam niyo, mahal na mahal kayo ni Yeng.”

“Masmahal namin si Yeng!”

Ano nga ba ang ibig sabihin ng pagiging “Yengster”? Paano nga ba ito nabuo? Sino sino ba ang bumubuo ng grupong ito? At paano mo ba malalaman kung ang isang tao ay matatawag mong Yengster?


Simple lang naman ang ibig sabihin ng Yengsters. Kayang kaya ko nga sabihin sa tatlong salita eh: “Adik Kay Yeng”. Pero ipaliwanag pa rin natin ng mahaba-haba para naman matawag na “blog” Itong ginawa ko. Ang Yengsters ay isang grupo ng mga taong sumusuporta kay Yeng sa anumang mapagdaanan niya sa buhay, tagumpay man o kabiguan. Sila yung mga taong kinikilala siya bilang inspirasyon, ate, kaibigan, at syempre, idol. Sila yung mga taong nirerespeto siya bilang kaibigan, at bilang artista.

At sila yung mga taong mahal si Yeng.

Paano nga ba nabuo ang Yengsters? Simple lang, dahil kay Yeng. Nagsimula ang grupo dahil sa pagpunta ng bawat isa sa mga gigs, shows, concerts, mall tours, etc. hanggang sa makilala nila ang isa’t isa. Dahil sa pagsuporta kay Yeng, nabuo ang samahang walang kapantay. Samahang mas-tumitibay pa sa pagdaan ng panahon. Samahang hindi matitibag anumang pagsubok ang dumating.

Samahang may mga miyembrong mahal ang isa’t isa.

Sabi ko nga kanina, ang mga Yengsters ay mga taong mahal si Yeng. Sila yung mga taong gagawin lahat para lang maging masaya si Yeng. Sila yung mga taong gagawin lahat para lang makapunta sa gigs. Walang pera? Bumabagyo? Gagabihin? Masyadong malayo? Hindi alam papunta? Sus. Wala ‘yan sa kanila. Pupunta at pupunta sila hangga’t pwede. Kahit hindi alam kung paano umuwi. =))

Gagawin lahat, masuportahan lang si Yeng.

Susuportahan nila si Yeng ng walang hinihintay na kapalit. Kasi para sa kanila, makita lang si Yeng, masaya na. Wagas na kaligayahan.

Sila rin yung mga taong kahit ilang beses nang nakita si Yeng, parang first time pa rin. Lalo na pag kinausap sila. Tulala, speechless… In short, starstruck. Sila yung mga taong nirerespeto si Yeng. Alam nila ang limitasyon nila. Gaano man sila ka-close kay Yeng, hindi pa rin nila nakakalimutan na, “Ay, si Yeng Constantino nga pala ‘to.”

Kung titignan siguro ng ibang tao itong blog na ‘to, siguro sasabihin nila, “Grabe ang hirap naman maging Yengster.” Pero kung isa kang Yengster, “Weh mahirap ba ‘yun??”

Kung isa kang Yengster, walang mahirap, basta para kay Yeng.

Minsan, sa unang “pag-aadik” pa lang ng isang Yengster, makikita mo na agad yung kislap sa mga mata niya. Bihira lang yung mga taong may “Y” sa mata. Ako? Hindi ko nga alam kung may “Y” ako sa mata nung unang pag-aadik ko. Basta alam ko lang, mahal ko si Yeng.

Ikaw? May “Y” ka ba sa mata?



SOURCE/S:

Tintin's Tumblr Page

http://cozwhenyourefifteen.tumblr.com/post/4331796474/y-sa-mata

1 comment:

  1. woah !!
    ewan ko ba anong secret nitong si yeng at inlab ako ..
    eh dati-rati naiinis ako sa kanya ..

    buwahahaha :D

    ReplyDelete