From Yeng Constantino's Tumblr Page
Sa wakas!!!!!!!!!
Sinulat ko ang kantang ito para sa bestfriend ko.. :)
Sa totoo lang hindi ako magaling magcomfort… lalo na sa bestfriend ko kase nasanay kame na (or ako lang hahahah) straight forward magsalita… lalo na ko sakanya lahat ng nararamdaman at napupuna ko sinasabi ko ng walang preno dahil una at pinaka importante sa lahat ayoko ng may tinatago sakanya… at gayon din sya saken…
Pero may problema sa pag oopen up ang bestfriend ko kaya lagi ko syang “PINUPWERSA” na magsalita at isambulat nalang saken lahat ng nararamdaman at mga problema nya…
Hanggang sa isang araw… natupad na ang hiling ko na “ihinga sakin” ng bestfriend ko ang problema nya… may nangyari sa buhay nya na mahirap pagdaanan…
Yun nga lang… di pala ako handa… di ako handang sabihin na “magiging ok din ang lahat”… lalo na pag di ka sigurado na magiging ok nga ang lahat…
Basta ang alam ko lang eh ayokong makita o marining sya sa teleponong umiiyak dahil nasasaktan ako…
Gustong lumabas sa bibig ko ng mga salitang “kung pwede ko lang akuin kahit kalahati nyan.. gagawin ko” pero alam kong imposible at di ko kaya….
May mga salita akong nasabi sakanya pero parang lahat di sapat… gusto kong pawiin ang lungkot na nadarama nya pero wala akong magawa…
Pagkatapos namin mag-usap nung araw na yon kinuha ko ang ballpen at papel at sinulat ko ang kantang to…
buti pa sa kanta nasabi ko ang gusto kong sabihin… hay…
WAG NA
by: YENG CONSTANTINO
mabigat nanaman ang hikbi, parang pelikula
may kirot at hapdi ang ngiti, pilit kinakaya
pwede mo naman gamitin ang panyo ko alam mo yan
kahit wag mo ng ibalik, wag lang makita kang nagkakaganyan
Wag na…
Chorus:
wag ka nang mangamba
wag mag alala
luha’y huhupa
kahit masakit pa
parang bibigay na
luhay huhupa
ibabaon rin ng panahon, mga luha mo ngayong iniipon
Wag na…
nabibingi sa linya mo, wala kong marinig
kundi patak ng luha mo, dito sa sahig
pwede ka namang sumigaw sa muka ko alam mo yan
laway mo’y di iindahin, wag lang makita kang nagkakaganyan
Wag na
"A friend is the one who comes in when the whole world has gone out." ~Grace Pulpit
No comments:
Post a Comment