Kikay Rock And Roll Style On The Pages Of Cosmo
In our last interview with Yeng Constantino, she told us that she considers rocker chicks Taylor Momsen and Haley Williams her fashion icons. We got the Rockoustic Princess of the Philippines talking about fashion last month--and now, we’re giving you more of an inside scoop on Yeng’s newly evolved style. We immediately put that to the test when we got her to be one of the models for the celebrity fashion editorial in the December 2010 issue of Cosmopolitan Magazine.
After shooting her fierce layouts for her first fashion shoot for a fashion magazine, as she revealed, and ransacking her H&M bag, Cosmo sat down with Yeng for a longer Style & Beauty talk. Although it was only recently that she became fond of fashion, Yeng admitted that at first, she felt hurt when people said negative things about her dress-and-sneakers style. But because of her work, this 22-year old singer (and soon to be bassist in an all-girl band) learned to be more open to styles that people appreciate--and now she’s enjoying it!
Get to know more about Yeng's fashion evolution in this candid interview, and see her advice to girls who experienced the same style dilemma as she did.
Describe your personal style. Has your music influenced your style?
My style is edgy, rock and roll lang. And I think nakakaapekto 'yung music ko sa way ko ng pananamit, dahil parang hindi yata bagay na when you’re playing rock and roll music, magsusuot ka ng pa-girl. Hindi maraming nakakaalam, sobrang kikay ako. My favorite color is pink. Pero since alam ko na may ganung mindset 'yung mga tao na, kapag ito 'yung music mo, like alternative or pop (ako kasi nasa pop naman ako, pero alternative 'yung music ko), siyempre 'yung mga tao, ine-expect na ganito 'yung itsura mo. So ibigay mo sa kanila 'yun, kasi tama nga naman, para 'yung music ko and 'yung pananamit ko, one lang. Pero 'yung totoo hindi talaga ako magaling mag-style, that’s why nag-hire ako ng magsa-style for me, stylist ko si Em Milan, siya 'yung nag-aayos sa'kin for ASAP and all. So through her, natututo ako na magdamit, and naghahanap-hanap kami ng pegs sa internet, ano 'yung magandang peg, like Taylor Momsen, Haley Willams of Paramore. So 'yun, nakakatulong talaga siya.
Have you ever experienced any wardrobe malfunctions?
Yeah, meron na. Sobrang luwag ng damit. So let's say habang kumakanta, e malikot ako, nalalaglag siya. Hindi ko alam ano'ng gagawin ko, hindi na 'ko nagtataas ng kamay kasi iniipit ko na lang sa kili-kili ko. Ganun talaga, you have to deliver kahit na may malfunctions. Importante doon, hindi nila mahalata (laughs).
Have you always had a love for fashion?
Ngayon lang ako nahilig sa fashion. Kasi parang may sarili akong fashion e. E 'yung fashion ko hindi naman maintindihan ng mga totoong fashionista. Ito 'yung style ko, kahit naka-gown ako, naka-rubber shoes ako, o kahit anong suot ko gusto ko lagi akong naka-sneakers. Hindi nila naiintindihan 'yun. Siyempre at first masakit. Pero you have to grow up and accept na kailangan mong mag-adjust, lalo na sa trabaho namin, we’re TV personalities, and 'yun, meron nang kultura ang show business. Sometimes you have to compromise for them, pero not in a bad way. Pero parang subukan mo 'yung ginagawa nila. And then eventually, makikita mo na 'yung gusto mo at 'yung gusto nila, napaghahalo mo na. So hindi ka talo, kasi nagagawa mo pa rin 'yung gusto mo, at the same time, napi-please mo rin 'yung mga tagahanga mo, 'yung mga boss mo. Sobrang malaki 'to for me, honestly. It’s my first time to be featured sa isang fashion mag, sa Cosmo, ever. First time.
How do you feel about that?
'Yung ganung pakiramdam, na naa-acknowledge na nila 'yung ginagawa mo, parang nag-pay-off lahat ng sakripisyo ko na "Sige Yeng, grow up Yeng, kahit masakit. You know, kailangan mong iwanan 'yung rubber shoes mo sa kwarto and magsuot muna ng heels.” Well, happy now, nagsusuot na 'ko ng heels, and nakakaganda pala talaga siya ng posture, nakaka-straight ng body, mas nagmumukha kang sophisticated. Hindi pa rin naman natatanggal 'yung totoong ako, pero parang na-improve lang. Happy talaga ako, first time ko sa Cosmo. Yay!
What’s your no-fail after-party outfit?
A black dress. Depende e, kunwari formal 'yung party, and then after party, meron siyang cocktails. Siyempre black dress, safest 'yun. Anytime, kahit saan, pwede kang pumunta nang naka-black dress ka. Pero halimbawa casual lang, [okay na ang] tattered jeans and blousy top.
Name one kikay item you can’t get enough of.
Hindi ko kayang lumabas ng bahay nang walang cheek tint (laughs). That’s the magic! 'Di ba kasi lagi akong puyat because of Music Uplate Live, so feeling ko low blood ako. 'Pag lumabas ako nang walang cheek tint, parang may sakit ako. So kailangan lagi akong may cheek tint. Ano ba 'yan, alam na nila.
How do you plan an outfit for a show or a gig?
Kung ako lang mag-isa, wala akong assistant, like 'pag pupunta ako ng States for a series of concerts, ang ginagawa ko, tinatawagan ko na 'yung stylists ko para ma-prepare na nila 'yung outfits for five concerts. Sila na 'yung magse-set na ito 'yung susuotin mo sa first, ito sa pangalawa, pang-apat, panlima, hanggang sa pinakahuli. Pati 'yung mga susuotin ko sa promotions, like kunwari magvi-visit kami ng stores and Filipinos ang pupunta dun. So naka-setup na lahat 'yun, hindi na 'ko nag-iisip. Malaki talaga ang tulong ng may stylist ka. Or halimbawa wala ka namang stylist: may gigs ako around the Philippines lang, minsan ako na ang nagsa-style sa sarili ko. Bago ako umalis ng bahay sine-set ko na, ito 'yung susuotin ko para hindi masikip 'yung maleta ko, ito na 'yung isang buong outfit. Kung kailangan ko pa ng isa pa 'pag nagbago 'yung isip ko before the show, at least may isa lang, tapos 'yung pambahay nakalagay na dun, 'yung pantulog, tapos 'yung pampunta na rin sa airport kinabukasan.
If you were given a chance to splurge, what would you spend on and why?
Technology--gadgets. Mahilig ako sa gadgets, sobra. Ay, pangarap lang naman 'di ba? Kotse. Gusto kong magkaroon ng maraming maraming kotse. Kagabi nagkwentuhan kami ng friend ko, sabi niya 'yung mom niya nag-drive ng Volvo, tapos na-hit sila ng train, ayun buhay pa rin siya. So parang ako, "Ay, 'pag bibili ako ng kotse, gusto ko Volvo." Gusto ko ng BMW, gusto ko ng Porsche. Hanggang pangarap pa lang. Kailangan kong mag-trabaho.
What fashion or beauty advice could you give our readers?
Sa lahat ng Cosmo readers, ang maibibigay ko na advice sa inyo, baka mas marunong pa kayo sa'kin. Hindi, joke lang. Mas maganda kung 'yung sinusuot n'yong damit, gusto ninyo, hindi 'yung pinasuot lang sa inyo ng ibang tao. Kasi minsan, kahit gaano pa kaganda 'yung damit, kung 'di n'yo gusto, kahit gaano pa ka-mahal--minsan nga mas mura na, mas kumportable ka pa, kaysa 'yung sobrang mamahalin tapos 'di ka kumportable. Mas maganda na mas kumportable kayo. Kung ano 'yung style n'yo ilabas n'yo lang. 'Wag kayong matakot sa kung ano'ng sasabihin ng ibang tao, as long as masaya kayo sa sinusuot n'yo, go lang. Pero 'wag lang 'yung nakaka-ano naman sa boys, 'yung magkakasala na sila sa mga sinusuot n'yo. 'Yung parang sophisticated pa rin, and alam n'yo 'yung identity ninyo. Let your light shine, galing sa loob, palabas. Mano-notice na nila 'yun, "Uy ang ganda mo ah." Yes, naks naman.
So what are you working on now?
Na-excite ako nung tinanong mo [ako tungkol sa] project. Gumagawa na ako ng kanta, kasi bubuo ako ng female rock band, pero hindi ako vocalist, bassist lang ako. I bought a bass guitar nung isang linggo. Nagpa-practice ako everyday. Nagka-blister na nga ako e. Kasi, when you want something, gagawin mo ang lahat para dun, if you want to excel. And, ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong drive and thirst to do something. Kasama ko dun 'yung dating bocalista ng Moonstar 88, si Acel van Ommen. And then meron kaming drummer na sobrang galing. Babae siya pero para siyang halimaw mag-drums. Na-inspire ako kasi ang galing e, parang "Bakit 'di kaya ako magtayo ng female band? Sobrang astig nito!" So next year, ako rin 'yung magpro-produce. This is the first album na ipro-produce ko. Na-inspire din ako kasi ako 'yung nag-produce ng Jeepney Love Story music video, 'yung nakikita sa MYX ngayon, 'yung animated and kasama si Ivan of PBB and si Kuya Piolo. After that, [naisip ko] "Kaya naman pala e. Gumawa pa tayo ng mas malaki. Why not a whole album na 'yung i-produce ko, tapos gawa ako ng banda." Excited ako and ise-set aside ko muna 'yung sarili kong album. Marami na rin akong pondo ng songs. As much as possible, ifo-focus ko muna 'yung energy ko sa isa para hindi kalat-kalat, so female band next year! Yeah!
More photos "HERE"
Source/s: COSMO.PH
hits ang gnda"
ReplyDelete